*chorva - tungkol sa love life ang entry na ito. Pangit naman kasi kung ang latest love affair diba? ^__^
Ayun, sa mga true and close friends ko, wag kayo tatawa ha. :D Magpromise muna kayo... without crossing your fingers. Hehe. ^__^
First, I just want to tell you all that I'm having a great summer. During April, all I did was eat, sleep, play pc games, surf the net, and clean the house. It was really fun... Although bakasyon ang maid namin, hindi naman naging burden ang paglilinis ng house. ^__^ Enjoy naman ako! Nadevelop ang skills ko sa pagluluto, paglilinis, pagaayos, at paguutos. Hahaha!
Tapos nung May 5, nagstart na yung internship ko sa Mercury Drug Store (ParaƱaque Multinational Branch). :) Sa labas lang to ng village namin... Takes me 10 minutes to go there and another 10 minutes to get back home. :D Never pa naman akong na-late... At wala rin akong balak magabsent. :D Ang saya-saya pala mag-intern. Di naman masyado mahirap ang ginagawa ko... Parang assistant lang ako ng lahat. Hehe. Pero marami rin akong natutunan... Kaya ok sakin. Besides, I'm making the most of it na kasi 2 weeks na lang ang stay ko dun. Mamimiss ko ang experience for sure! ^__^
(Actually, may pending removals pa kami sa Chem 150... pero sana kasi 3.0 na lang ang binigay samin ni Sir na grade... Kasi as usual, namomove ang removals. Nakakatamad na tuloy aralin. Grrr.)
So ayon... back to the real topic.
One time in April, may nagPM sakin sa YM. ~f* [Not real id.] ang kanyang name sa aking listahan. Unang pumasok sa isip ko, "Uy, si J*!" [Name was concealed to protect privacy.] Ang ibig sabihin pala ng name niya, yun ang ID nya sa tabulas.com. :D Dun kasi ako nagblog dati... Lalo na nung nag-LOA ako. Super dami kong friends dun. Hehe. Karamihan sa kanila na-meet ko rin in person. :D Wag nyo na ring subukang hulaan kung sino sya... Dahil dinelete na rin nya ang account nyang yon, matagal na panahon na. ^__^ Mga tabulas friends ko, wag nyo na hulaan! Kung kilala nyo sya, quiet na lang kayo ha. :)
Nung time na nagmessage sya sakin, busy akong naglalaro ng Fairy Godmother Tycoon. So ayaw ko ng istorbo... hehe. Di ko sya masyado pinansin. Pero dahil friends naman kami dati pa, kinumusta ko na rin. Ayon, segment producer na sya sa isang investigative journalism na show sa Kapuso network. Aba. Dream come true na yun for him. Journalism kasi course nya... At graduate na rin sya. Ayon, magaling sya na journalist! Hit ang mga episodes nya. Kita nyo naman sa taas ng ratings ng show nila. :D
Tapos, magbubusybusy-han na kasi ako... kaya sabi ko maglog-out na ko. (Pero maglalaro lang talaga ako. ^__^) Sabi nya, text-text na lang daw. Sabi ko naman, Ok. Sabi niya, nawala nya ata number ko kasi nagpalit daw sya ng phone. Eh di binigay ko yung number ko.
Nung kinagabihan na nya ko tinext. Tapos na rin ako maglaro that time, kaya nagreply ako agad. :)
At yun na ang simula ng madalasan pagtetext... pagpaparamdam. You know...
Ilang beses na kaming nagplan na magmeet, kaya lang di masingit sa busy sched. Kasi naman, Sundays lang ang free days ko. Tapos, kasama ko pa family ko kasi magsisimba kami... at pupunta sa mall... o sa kung saan man. Eh ayoko naman lumabas sa gabi. Di rin ako mahilig gumimik. Kahit pilitin nya ko, di nya ko mapipilit gumimik. ^__^ Anyway, di pa rin kami nakakapagmeet hanggang ngayon.
Syempre, pag madalas mong kausap ang isang tao, napapalagay ang loob mo sa kanya diba? Di naman maiiwasan yun. ^__^ So yun na nga ang nangyari...
Nung gabi ng May 16, 2008, he asked me kung gusto ko ba na maging kami. Sabi ko, ayoko kasi di pa nga kami nagmimeet eh.
Tapos nalungkot sya. Hehe.
Tapos sabi ko, pwede rin naman. But it's not official. Parang MU lang... kasi hindi talaga kami magbf/gf.
So yun, starting that time, I was unofficially in a relationship with someone. (FYI: Single pa rin ang status ko sa Friendster.)
Then, nung May 17, nagpakwento ako tungkol sa love life nya. Eh di sabi nya nagka 3 girlfiends na daw sya. Tapos nagpakwento tungkol sa first. Yung second, common friend namin. Tapos nung sa 3rd girlfriend na, di na nya sinagot tanong ko kung sino at kung kelan. Hm... I smell something fishy.
Nga pala, sinabi ko na rin kay Julie, Steph, at Eiz na I'm unofficially in a relationship with him. Syempre, they're happy for me. Weird man ang situation ko, pilit nilang inintindi. Hehe.
So ayun, ayaw nya talaga sabihin eh. So sige, di ko na pinilit.
At dahil hindi ako mapalagay, kinaumagahan (May 18) ay nagcheck ako ng Friendster. Tinignan ko ang account nya. (FYI: It's complicated ang status nya.) Wala ring pics na nagiindicate na may gf sya. Pero may mga comments ang certain girl na "Happy nth Monthsary." So nagbackread ako... I learned na naging sila nung September 2005. Aba. Naka-3 girlfriends sya in 1 year. Hanep. At syempre, sila pa rin siguro hanggang ngayon.
Haay. Nakakalungkot talaga. Pero di naman ako masyadong nasaktan, nalungkot, etc. Not like my previous chorva*. At may ilang posts din ako dito tungkol sa kanya.
So syempre tinext ko agad sila Steph, Eiz, and Julie. Nag-rant na naman ako. Hahaha. Syempre pinagsabihan nila ko. Dapat talaga di padalus-dalos. Magisip-isip muna. Ayon... and they comforted me. :D Thanks friends!
Ok lang naman kasi talaga ako. I mean, it's not like we're deeply involved or anything. Parang naging more than friend lang ang treatment ko sa kanya. Pero ngayon, back to just friends.
Di nga nya alam na naginvestigate ako. Hehe. Di rin nya alam ang post na to. Wala akong balak ipaalam. Di rin to mababasa ng family members ko. Dahil di na nila kailangan malaman ang detalye. Nakwento ko naman to sa aking sis. At nasabi lang nya, "Haay naku Ate Monique..." Hehe. Alam ko na sasabihin nya... pero di nya tinuloy kung ano man ang sasabihin nya. Buti na lang.
Gusto ko lang kasi na mairecord to somehow... for posterity's sake kumbaga. I wonder though if my children and grandchildren will be able to read this. hehe. :P Di kasi ako makapagsulat sa journal ko ngayon eh kaya dito ko na lang pinost.
Baka kasi malimutan ko to someday... At least may archive ako. Diba?
Once again, I've learned something new... about love... about friendship... and about life.
Ngayon, nagwowonder lang ako... Bakit halos lahat ng nagpaparamdam sakin these days ay taken na? Di ba sila kuntento sa iisang girlfriend lang?
So ngayon nga, I'm officially single. Hehe.
Ayaw ko naman sa may girlfriend na diba? Mahirap yon. Baka ma-karma pa ako. Naaawa rin naman ako sa girl... ayaw kong mangyari sakin yun.
Sabi nga, "Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin din sa iyo."